Marami ang nadurog ang puso nang makita ang post ng netizen na si Kristine Vargas Tatad na tumulong sa isang ina na iniwan na lamang ng k...
Marami ang nadurog ang puso nang makita ang post ng netizen na si Kristine Vargas Tatad na tumulong sa isang ina na iniwan na lamang ng kanyang mga anak sa ilalim ng lababo. Napag-alaman na naglipat na raw umano ang mga anak nito ngunit sa kasamaang palad,
Hindi isinama ang inang halos buto't balat na. Sa post ni Kristine, makikita ang kalunos-lunos na kalagayan ng ina na wala pang saplot nang kanilang matagpuan. Naiyak na rin ang ina ni Kristine nang makita ang kaawa-awang matanda na humihingi ng saklolo.
Agad nila itong binalutan ng tela gayung nakatakip lamang ang plywood at container ng tubig dito. Dalawang araw na raw ang lumipas nang iwan siya roon ng mga anak na hindi manlang siya binigyan ng makakain. Dali-dali nilang tinulungan ang matanda upang mapakain at mabihisan dahil hindi na ito talaga makagalaw.
Agad din nilang hinanap ang anak ng matanda upang alamin kung bakit nila nagawang iwan ang ina roon. Katwiran ng mga ito, babalikan naman daw nila ang ina at inuna lamang ang mga kagamitan. Ngunit agad itong sinagot ng sumaklolo sa matanda na hindi dapat gamit ang inuna at dapat na ang ina ang inintindi.
Sa panibagong post ni Kristine, makikitang maayos na ang kalagayan ng matanda na nasundo na rin ng kanyang mga anak. Sa pangambang baka ulitin muli ng mga anak ang pang-iiwan sa ina, humingi na ng tulong sa DSWD ng nilipatang lugar ng matanda upang masubaybayan ito. Dinagsa na rin ng tulong ang ina mula nang mag-viral ang post ni Kristine.